Songs in the Key of PW

3 pamamaslang sa 2 araw

December 15, 2006 · Leave a Comment

Kenneth Roland A. Guda
Pinoy Weekly, Disyembre 13-19, 2006

TINAMBANGAN ng mga di-kilalang armadong kalalakihan si Atty. Gil Gojol, abogadong pangkarapatang pantao, sa Gubat, Sorsogon, ganap na ika-9:55 ng gabi noong Lunes, Disyembre 11.

Kasamang napaslang sa ambus ang drayber ni Gojol.

Kinondena ng Karapatan ang pamamaslang, na ikatlo sa loob lamang ng dalawang araw, ayon kay Ruth Cervantes, public information officer ng Karapatan.

Kinondena rin ni Greg Bañares, tagapagsalita ng National Democratic Front-Bicol ang pagpaslang kay Gojol at sa kanyang kasamahan.

Naging tanyag si Gojol bilang tagapagtanggol ng mga biktima ng pagtagas ng kemikal sa Lafayette Mining sa Rapu-rapu, Albay.

Samantala, pinaslang naman sa Irosin, Sorsogon si Crisanto Frivaldo, 35, kapatid ng lider ng Bayan Muina na si Max Frivaldo na pinaslang din noong nakaraang taon.

Kahapon dinm ika-6:30 ng umaga ng paslangin si Jesus Servida, lider-manggagawa sa Cavite. ### KR Guda
3 pamamaslang sa 2 araw

Tinambangan ng mga di-kilalang armadong kalalakihan si Atty. Gil Gojol, abogadong pangkarapatang pantao, sa Gubat, Sorsogon, ganap na ika-9:55 ng gabi noong Lunes, Disyembre 11.

Kasamang napaslang sa ambus ang drayber ni Gojol.

Kinondena ng Karapatan ang pamamaslang, na ikatlo sa loob lamang ng dalawang araw, ayon kay Ruth Cervantes, public information officer ng Karapatan.

Kinondena rin ni Greg Bañares, tagapagsalita ng National Democratic Front-Bicol ang pagpaslang kay Gojol at sa kanyang kasamahan.

Naging tanyag si Gojol bilang tagapagtanggol ng mga biktima ng pagtagas ng kemikal sa Lafayette Mining sa Rapu-rapu, Albay.

Samantala, pinaslang naman sa Irosin, Sorsogon si Crisanto Frivaldo, 35, kapatid ng lider ng Bayan Muina na si Max Frivaldo na pinaslang din noong nakaraang taon.

Disyembre 11 din ika-6:30 ng umaga ng paslangin si Jesus Servida, lider-manggagawa sa Cavite.

Categories: Balita

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment